^

Probinsiya

200 Chinese, Pinoy operators timbog sa raid sa online gambling hubs ‘

John Unson, Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
200 Chinese, Pinoy operators timbog sa raid sa online gambling hubs ‘
Sinalakay ng mga operatiba ng NBI, BI, Phl Army, at PRO-9 ang dalawang hinihinalang scam online games hubs sa Zamboanga Sibugay at 200 katao kabilang ang mga Chinese operators ang naaresto sa mga operasyon ka- hapon ng madaling-araw.
John Unson

MANILA, Philippines — Nasa 200 katao kabilang ang mga Chinese nationals na hinihinalang sangkot sa online gambling hubs operations ang naaresto ng pinagsanib na puwersa ng National Bureau of Investigation, Bureau of Immigration, Police Regional Office 9, at 102nd Brigade ng Philippine Army Ist Infantry Division sa isinagawang pagsalakay sa Zamboanga Sibugay kahapon ng madaling araw.

Kinumpirma nina Lt. Gen. Donald Gumiran, commanding general ng Philippine Army, at Major Gen. Yegor Rey Barroquillo Jr. ng 1st Infantry Division, ang pagkakadakip ng 200 katao sa magkasunod na operasyon sa mga bayan ng Alicia at Siay.

Nakumpiska sa operasyon ang nasa 2,000 gadgets na posibleng gamit sa online gaming hubs o sinasabing scam-related activities.

Nag-ugat ang operasyon sa intelligence gathering ng BI at NBI hinggil sa ulat na mala-POGO na aktibidad sa lugar.

Dahil dito, mahaharap sa mga kasong paglabag sa Republic Act No. 11862 o ang Expanded Anti-Trafficking in Persons Act of 2022, at Commonwealth Act No. 613, ang Philippine Immigration Act of 1940 ang mga sangkot.

Sa ngayon ay bina-validate na ng awtoridad ang immigration status ng mga hinuli na maaari rin namang mga biktima ng trafficking, exploitation, coercion, unlawful recruitment, restriction of movement, at iba pang krimen.

NBI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with