^

Police Metro

70-anyos biyenan inutas ng manugang na adik

Cristina Timbang, Ed Amoroso - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang 70-anyos na biyenan lalaki ang nasawi matapos na saksakin ng kanyang manugang na drug addict sa labas ng bahay nito sa Barangay 3, Lipa City, Batangas, nitong Huwebes ng madaling araw.

Kinilala ang nasawing biktima na si alyas “Casiano,” biyudo, residente ng lugar. Habang ang suspek na tumakas ay kinilalang si alyas “Tukis,” 48-anyos, may-asawa, residente ng Purok 2 sa Barangay 3, manugang ng biktima.

Sa ulat ng Lipa City Component City Police Station (CCPS), alas-5:30 ng madaling-araw ay nasa labas ng kanilang bahay ang biktima at nakatayo nang dumating ang suspek at walang kaabug-abog na at inundayan ng saksak sa kanang kilikili.

Duguang bumulagta ang biktima habang tumakas ang suspek sakay ng itim na motorsiklo.

Naisugod sa pagamutan ang biktima, subalit idineklara itong dead-on-arrival na.

Lumabas sa imbestigasyon na may matagal na umanong lihim na galit ang suspek sa biktima na kanyang biyenan na hinihinala nitong may relasyon sa kanyang asawa noong siya ay nasa drug rehabilitation pa.

BATANGAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with