^

Probinsiya

2 HVI timbog sa P1.1 milyong shabu

Cristina Go Timbang - Pilipino Star Ngayon
2 HVI timbog sa P1.1 milyong shabu
Stock image of methamphetamine crystal or also called 'shabu'.
Pixabay / File

BATANGAS CITY, Philippines — Arestado ng pulisya ang dalawang kalalakihan na kapwa nasa High Value Individual druglist ng pulisya sa inilatag na magkasunod na buy-bust operation sa Bauan Batangas City.

Unang operation ay isinagawa ng Municipal Drug Enforcement Team ng Bauan Municipal Police.

Dakong alas-11:20 ng gabi ng Setyembre 30 sa Aplaya Bauan na ikinaaresto ng suspek na si alyas “Glad,” nasa hustong gulang. 

Nasamsam dito ang may 108.67 gramo ng shabu na may standard drug price na P738,956.00. 

Kasunod nito, dakong alas-2:21 ng madaling araw kahapon ng isagawa ang buy-bust sa isang subdivision sa nasabi ding lugar at ikinaaresto ng suspek na si alyas “Mark,” nasa hustong gulang. 

Nakumpiska ang may 53.80 gramo ng shabu at may standard drug price na P365,840.00.

Umabot sa mahigit P1.1 milyong halaga ng shabu ang nasabat sa 2 suspek na kapwa nasa High Value Individual drug list ng pulisya.

ARESTADO

SHABU

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with