Eala sinibak si Garland, pasok sa Asiad Semis

MANILA, Philippines — Lumapit si World No. 18 Alex Eala sa inaasam na gold medal sa 20th Asian Games tennis competition sa Aichi-Nagoya, Japan.
Ito ay matapos sibakin ni Eala si Joanna Garland ng Chinese Taipei, 7-5, 6-0, patungo sa semifinal round at makasiguro ng bronze medal kahapon sa Centre Court ng Nagoya City Higashiyama Park Tennis Center.
Haharapin ng 21-anyos na Pinay tennis sensation si Wang Xiyu ng China sa semifinals para sa tiket sa gold medal round.
Sa kanyang unang paglalaro sa Asiad sa 2022 edition sa Hangzhou, China ay wagi si Eala ng tig-isang bronze sa women’s singles at mixed doubles kasama si Francis Casey Alcantara.
Sa kabila ng ‘pressure’ na kunin ang Asiad gold ay nakatutok pa rin si Eala, ang top seed sa Aichi-Nagoya edition, sa kanyang bawat laro.
“I mean, when I’m on court, it’s me and the ball and the court. And at the end of the day, being a professional tennis player and a competitive tennis player, you know, losing comes, you have to understand that losing is part of the job and losing is always a possibility,” ani Eala.
Sa kanyang unang paglalaro sa Asiad noong 2022 sa Hangzhou, China ay wagi si Eala ng tig-isang bronze sa women’s singles at mixed doubles kasama si Francis Casey Alcantara.
Nagbigay ng magandang laban ang World No. 143 seed na si Garland sa first set kung saan nito kinuha ang 4-3 abante bago nakabawi si Eala at inagaw ang 6-5 kalamangan patungo sa kanyang 7-5 panalo.
Hindi na nagpapigil si Eala sa second set para tuluyan nang tapusin ang kanilang duwelo ni Garland sa loob ng isang oras at 46 minuto.
Hindi napigilan ni Garland na umiyak matapos ang laro.
“I think she should be proud of, you know, reaching the quarterfinals,” ani Eala kay Garland. “I think we are good friends. And I think that’s, you know, that’s what I remember her for the most, is being a good person.”
Hindi sinuwerte sina Eala at Rivera kontra kina Xinyu Jiang at Zhaoxuan Yang ng China, 5-7, 2-6, sa second round.
- Latest


















