Chiefs pahihigpitin kapit sa liderato vs Cardinals
MANILA, Philippines — Puntirya ng Arellano University na pahabain ang kanilang winning streak sa lima sa pagharap nila sa Mapua University sa NCAA Season 102 men’s basketball tournament na lalaruin sa Playtime FilOil sa San Juan ngayong araw.
Tangan ang malinis na apat na panalo, naka-upo ang Chiefs sa tuktok ng team standings sa Group B habang ang Cardinals ay nasa ilalim ng Group A pasan ang 1-3 card.
Galing sa pahirapang panalo ang Arellano sa huli nilang laro kung saan ay manipis nilang tinalo ang Letran, 82-81 noong Lunes.
Noong araw din na iyon, bago nagbunyi ang Arellano ay ipininta naman ng Mapua ang unang panalo ngayong season sa paggupo sa defending champion San Beda University, 55-54 sa isa ring dikdikang labanan.
At dahil parehong may pinaghuhugutan na inspirasyon ang Chiefs at Cardinals ay tiyak na magiging mahigpit din ang kanilang bakbakan pagsimula ng kanilang laro sa alas-3 ng hapon.
Muling huhugot ng lakas ang Arellano kay T-Mc Ongotan na nagtala ng career-high at double-double na 29 points at 12 rebounds ng talunin nila ang Letran
Samantala, maghaharap naman ang College of Saint Benilde at Perpetual Help System DALTA sa alas-5 ng hapon.
Tiyak na sasandalan ng Taft-based squad ang kanilang mga veteran players para kumalas sa two-way tie sa top spot ng team standings at masolo ang puwesto.
Kasalukuyang magkasalo ang CSB at Jose Rizal University sa top spot ng Group A tangan ang tig- 3-1 baraha.
Naka tambay sila sa No. 3 spot sa Group B tangan ang 2-2 record.
- Latest





















