^

Pang Movies

Alex, kinolekta ang mga ginamit na syringe sa anak?!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Alex, kinolekta ang mga ginamit na syringe sa anak?!
Baby Isaac

Inulan ng puso ang post ni Alex Gonzaga na kasama ang kanilang anak ni Vice Mayor Mikee Morada.

Base sa photos, nag-pictorial na sila at makikita ang anak nilang si Isaac.

Aniya sa caption:

“Our little Family

“All the injections we took just to have Isaac

“Papa and mama as stage parents”

Ang daming nagulat na ganun karami ang syringe.

Props lang daw kaya ‘yun o lahat ‘yun ay ginamit talaga kay Baby Isaac? Dami raw kasi talaga.

Samantala, ninanamnam ni Alex ang bagong chapter ng kanyang pagiging ina habang ipinapakita sa kanyang followers ang nursery room para sa kanyang anak na si Isaac.

Sa isang vlog ay ipinakita ng TV host/content creator ang sulok ni baby Isaac sa kanilang bagong bahay— na aniya ay nagkaroon ng mas malalim na meaning ngayong kasama na nila ang anak na panganay na lalaki.

“Hindi kumpleto ang baby’s room kung walang baby. Thank you, Lord Jesus, at salamat sa lahat ng nagdasal para sa amin at ngayon, narito na si baby,” pahayag ni Alex.

Nagpasalamat din siya sa mga taong sumuporta at nanalangin para sa buong proseso ng kanilang paghahanda para sa pagiging magulang.

Nanganak si Alex last August, pagkatapos ng ilang beses na miscarriage.

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with