^

PSN Palaro

Obiena kasado na sa Asian Games title defense

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Obiena kasado na sa Asian Games title defense
EJ Obiena

MANILA, Philippines — Inaasahang ibubuhos ni EJ Obiena ang buong lakas nito upang madepensahan ang kanyang korona sa 2026 Asian Games men’s pole vault competitions sa Nagoya, Japan.

Nakatakdang umarangkada ang event sa alas-5:20 ng hapon sa Nagoya City Mizuho Park Athletic Stadium kung saan paboritong magwagi ang Pinoy bet dahil sa matikas na kampanya nito sa season na ito.

May 11 pole vaulters mula sa iba’t ibang bansa ang magtatangkang hubaran ng korona si Obiena.

Subalit handa si Obiena na ilabas ang bagsik nito upang masigurong hindi makakawala sa kanya ang gintong medalya.

“One more for this season. Asian Games tomorrow at 18:20 local time,” ani Obiena sa kanyang post sa social media.

Nasungkit ni Obiena ang gintong medalya noong 2023 Asian Games sa Hangzhou, China matapos itarak ang bagong Asian Games record na 5.90 metro.

Kaya naman desidido si Obiena na malampasan ito lalo pa’t hawak din ni Obiena ang Asian record na 6.0 metro.

Sa season na ito, nakuha ni Obiena ang kanyang season best na 5.91m nang maibulsa nito ang ginto sa Golden Sand Meet sa Poland noong Agosto.

Mayroon din itong 5.90m sa Zurich Diamond League na siyang naging daan para masikwat ang silya sa World Athletics Championships sa susunod na taon.

Mapapalaban si Obiena sa matitikas na pole vaul­ters sa rehiyon kabilang na si Li Chen Yang ng China at Seifeldin Abdelsalam ng Qatar.

Magsisilbing tinik din si Patsapong Amsamarng ng Thailand na silver medalist sa 2025 SEA Games sa Bangkok.

Lalahok din sina Masaki Ejima at Tomoya Karasawa ng host Japan, Yao Jie ng China, Kuldeep Kumar at Dev Kumar Meena ng India, Hussain Al Hizam ng Saudi Arabia, at sina Huang Yong-fu at Wu Yan-han ng Chinese-Taipei.

Posibleng ito na ang huling Asiad ni Obiena kaya’t asa­hang mas magiging agresibo ito upang maging maganda ang kanyang exit.

SPORTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with