^

Metro

Lifetime ban sa driver na nang-rape ng pasahero

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Habambuhay nang hindi makakapag maneho ang driver ng GSM taxi na humalay sa kanyang pasahero noong alas-3 ng madaling araw ng September 12 ngayong taon.

Ito ay makaraang bawiin ng Land Transportation Office (LTO) ang GSM driver ng lisensiya at tuluyang hindi na iisyuhan pa ng driver’s license.

Sa pamumuno ni Assistant Secretary Markus V. Lacanilao, ng resolus­yon laban sa isang GSM taxi driver na nasangkot sa panghahalay sa kanyang pasahero.

Sa isinagawang imbestigasyon at pagdinig ng Intelligence and Investigation Division (IID), kinumpirma ng driver na siya ang nagmamaneho ng naturang taxi noong Setyembre 12, 2026, bandang alas-3 ng madaling-araw.

Sa kanyang sinum­paang salaysay, inamin din ng driver na nagkaroon ng sekswal na aktibidad sa loob ng kanyang sasakyan. 

Batay sa mga natuklasan ng LTO, idineklarang Improper Person to Ope­rate a Motor Vehicle ang driver. Napatunayan din na lumabag ang operator sa mga kasong Breach of Franchise at Employing a Discourteous Driver.

Nananatili namang nasa ilalim ng alarm status ang naturang sasakyan, bilang bahagi ng kaukulang aksyon ng LTO kaugnay ng kaso.

Binigyang-diin ng LTO na mananagot ang mga driver at operator na mapatunayang sangkot sa anumang uri ng pang-aabuso o paglabag, lalo na kung nalalagay sa panganib ang seguridad at kapakanan ng mga pasahero. 

Hinihikayat din ng ahensiya ang publiko na patuloy na iparating ang anumang pang-aabuso o iregularidad upang agad itong maimbestigahan at maaksyunan alinsunod sa batas at mga umiiral na regulasyon.

BAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with