^

Bansa

Ex-aide: P2 bilyong idineliber ko kay VP Sara Duterte

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Ex-aide: P2 bilyong idineliber ko kay VP Sara Duterte
Philippine Vice President Sara Duterte shows a document after posting bail at a court building in Quezon City suburban Manila on September 5, 2026.
AFP / Ted Aljibe

MANILA, Philippines — Iniimbestigahan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang mga alegasyon ng dating pulis at naging security aide ni dating House Speaker Lord Allan Velasco na nagdeliber umano siya ng mahigit P2 bilyong pera kay Vice Pres. Sara Duterte.

Sa panayam ng GMA News, sinabi ni P/Cpl. Rodulfo Gracioso Jr. na siya umano ang ­naghatid ng mga maleta na naglalaman ng P20 milyon hanggang P50 milyon bawat isa, na inihatid niya sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila at Davao sa utos umano ni Velasco.

“Sa tantiya ko po, ma’am, aabot siguro ng mahigit dalawang bilyon. Lampas pa po. Lahat-lahat na iyon, mga P2 bilyon pataas,” ani Gracioso.

Nang tanungin kung ilang beses siyang ­naghatid ng pera at mga regalo kay Sara Duterte, sinabi niyang: “Base sa natatandaan ko, mahigit 20 beses siguro.”

Ayon sa kanya, nagsilbi siyang head of security ni Velasco mula 2018, noong congressman pa lamang ito, hanggang sa naging House Speaker ito mula 2020 hanggang 2022.

Sinabi ni Gracioso na 2018 nang una siyang inutusang maghatid ng P20 milyon kay Sara. Iniabot niya ang pera sa isang staff na kinilalang si Jef Tupas sa isang hotel.

Bukod dito, sinabi rin niyang nakapag-turn over umano sila ng 10 van para sa mga pagdadala ng pera kay Sara noong alkalde pa ito. Kabilang umano sa ipinadadala ang mga mamahaling bag, relo at Royce chocolates.

Nang tanungin niya si Velasco tungkol sa pinagmumulan ng pera, sinabi umanong galing ito sa mga koleksiyon mula sa ilang ahensiya ng gobyerno at mga proyektong pang-imprastraktura.

Kabilang din umano sa mga naihatid niya ang P20 milyon para kay Sara na ipinaabot kay Ramil Madriaga.

Mahigit P1 bilyon din umano ang naihatid niya para kay dating Pangulong Rodrigo Duterte, at may isang pagkakataon noong panahon ng pandemya na naghatid umano siya ng P100 milyon kay Davao Rep. Paolo Duterte sa isang bar sa Makati. May iba pa umano siyang naihatid kay Paolo sa Davao, kasama si Velasco.

Bukod sa mga cash delivery, bumili rin umano si Velasco ng anim na bahay na ginamit na imbakan ng pera dahil hindi na umano magkasya ang mga ito sa isang bahay na may lawak na 1,000 metro kuwadrado.

Iginiit ni Gracioso na nagsasabi lamang siya ng katotohanan at layunin niyang ilantad ang umano’y katiwalian.

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with