NBI: Gracioso 99 percent pasado sa lie detector test

MANILA, Philippines — Pasado sa polygraph test si dating Patrolman Rodulfo Gracioso Jr matapos isalang ng National Bureau of Investigation (NBI) sa pagsusuri kasunod ng mga pagbubunyag laban kay Vice Presidente Sara Duterte.
Ayon kay NBI Director Melvin Matibag, bukod sa background check si Gracioso, kinukunan nila ng mga pahayag at isinalang pa sa polygraph test.
“Ang masasabi ko nga based on the test that we ran, which is the polygraph test, 99% ‘yung truthfulness ng kanyang mga statements.
Lumapit umano si Gracioso sa NBI sa tulong ni Father Flavie Villanueva, ang pari na umalalay sa mga pamilya ng mga biktima ng drug war ni dating Pang. Rodrigo Duterte.
“Bukod doon sa checking na pag-interview lang, ‘yung mga binabanggit niya, we also validated it by other means. Checking on our intel network, lahat na puwede namin tingnan kung ‘yung mga binanggit niya ba ay nag-a-adapt.” “This is still an open investigation namin dahil maraming personalities.”
Nasa kustodiya ng NBI si Gracioso habang iniimbestigahan at nakikipag-ugnayan na sila sa Department of Justice (DOJ) para sa witness protection program.
Samantala, kinumpirma ni Justice Secretary Fredderick Vida na natanggap na nila ang affidavit ni Gracioso at pinag-aaralan na nila ito.
Ayon sa ulat, pumasok sa PNP si Gracioso noong 2015, naging corporal at nadismis sa serbisyo ngayong Setyembre.
- Latest


















