^

PSN Showbiz

Bambbi, walang bad blood kina Kris at Marian!

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon
Bambbi, walang bad blood kina Kris at Marian!
Marian Rivera.
STAR/ File

Hindi ikinakaila ng kilalang make-up artist to the stars, salon owner-turned talent manager at film producer na si Bambbi Fuentes na sobra umanong naapektuhan ang kanyang negosyo (beauty salon at boutique) ng pandemic kaya tatlo sa apat niyang salon ang nagsara at isa na lamang ang natira after two and a half years na nahinto ang operation.

Gayunpaman, unti-unting bumabawi si Bambbi at natutuwa siya na hindi siya tinalikuran ng kanyang regular customers at kasama na rito ang kanyang celebrity friends and customers.

Although nananatili ang pagkakaibigan nila nina Kris Aquino at Marian Rivera, may iba na ring nagme-make-up sa kanila dahil hindi pwedeng iwan ni Bambbi ang kanyang salon dahil hinahanap siya ng kanyang regular customers at ito’y nauunawaan nina Kris at Marian.

Personal na pinabulaanan ni Bambbi na may alitan sila nina Kris at Marian kaya hindi na ito nagpapa-make-up sa kanya ngayon.

In fact, may mga pagkakataon pa rin naman daw na pinatatawag siya ng dalawa pero tanggap niyang may ibang mga bata nang make-up artist. Pero naniniwala siyang hindi naman pwedeng tapatan ang mga naging karanasan niya sa pagiging make-up artist.

Speaking of Bambbi, bukod sa kanyang parlor ay pinasok na rin nito ang pagiging isang talent manager at pagiging film producer at second produced movie niya ang upcoming film na Mantsa kung saan tampok na mga bituin sina Gelli de Belen at Pilar Pilapil with special guest appearances nina Janice de Belen, Snooky Serna at iba pa.

Ito’y pinamahalaan ng award-winning director na si Louie Ignacio at palabas sa mga sinehan ngayong Oct. 7, 2026 with premiere night set on Oct. 5, 2026.

Speaking of Bambbi, tunghayan ang aming exclusive na panayam sa kanya sa TicTALK with Aster Amoyo sa aking YouTube channel.

MARIAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with