Simula Setyembre 28… Piso taas-pasahe sa jeep, aprub na

MANILA, Philippines — Simula sa Lunes, Setyembre 28 ay magiging P14 na ang minimum na pasahe sa mga pampasaherong jeep.
Ito ay matapos na aprubahan ng Department of Transportation (DOTr) ang rekomendasyon ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na ipatupad ang fare hike na una nang sinuspinde noong Marso.
Ito ay bunga umano ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo.
Ayon kay acting LTFRB Chairman Greg Pua, P1 ang idadagdag sa minimum fare ng traditional jeepney, habang P2 ang dagdag sa bawat susunod na kilometro.
Dahil dito, magiging P14 mula sa dating P13 ang minimum fare sa unang apat na kilometro ng traditional jeepney, habang P2 mula sa P1.80 ang bayad sa bawat suc-ceeding kilometer.
Para naman sa modern jeepney, magiging P17 mula sa P15 ang minimum fare sa unang apat na kilometro, habang P2.40 mula sa P2.20 ang bayad sa bawat susunod na kilometro.
Inaprubahan din DOTr ang provisional fare hikes sa mga UV Express at taxi.
- Latest



















