^

Police Metro

Big-time rollback sa diesel, asahan sa susunod na linggo

Mer Layson - Pang-masa
Big-time rollback sa diesel, asahan sa susunod na linggo
A worker fills up a container with fuel at a gas station in Quezon City, suburban Manila.
AFP / Jam Sta Rosa

MANILA, Philippines — Asahan ang posibleng magkaroon nang mahigit sa P7 kada litro na tapyas sa presyo ng diesel sa susunod na linggo.

Ito’y bunsod na rin ng potensiyal na pagkakaroon muli ng usapang pangkapayapaan sa pagitan ng Estados Unidos at Iran.

Ayon sa ilang oil industry sources, ang presyo ng diesel ay maaaring bumaba ng mula P7 hanggang P7.50 kada litro.

Habang ang presyo naman ng gasolina ay maaari ring magkaroon ng rollback mula P0.50 hanggang P1.00 kada litro.

Inaasahan din ang nasa P6 rollback sa presyo ng kerosina kada litro sa susunod na linggo.

Ang pagtaya ng source ay base sa Mean of Platts Singapore at foreign exchange averages sa nakalipas na unang apat na araw na trading days.

Ang pinal na paggalaw sa presyo mga produktong petrolyo ay karaniwang iniaanunsiyo tuwing araw ng Lunes at ipinaiiral naman kinabukasan.

OIL PRICE ROLLBACK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with