^

Police Metro

Mga abogado ni Romualdez sinita ng Sandiganbayan

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines — Dahil sa mga pahayag sa media tungkol sa pro­seso ng korte sa arraignment ni dating House Speaker Martin Romualdez kaya’t sinita nitong Biyernes ng Sandiganbayan Third Division ang mga abogado nito.

Sa pretrial proceeding sa plunder case ni Romualdez, inatasan ni Associate Justice Karl Miranda, Third Division chair, ang kapwa partido sa kaso na tingnan ang “propriety” sa kanilang mga pahayag sa media interview.

“Your language must still reflect temperance, respect, and fidelity,” ani Miranda.

Kasunod ito ng mga pahayag ng abogado ni Romualdez na sina Jose Roy III at Ade Fajardo na ipinag-utos pa umano ng korte ang pagbabasa ng impormasyon na naglalaman ng pormal na reklamo sa arraignment ni Romualdez.

Pinapayagan ng internal rules ng Sandiganbayan ang pag-waive sa pagbabasa ng impormasyon, ngunit iginiit ni Miranda na nananatili ito sa diskresyon ng korte kung pagbibigyan o hindi.

Sinabi rin ni Fajardo na humiling silang i-waive ang pagbabasa ng impormasyon dahil maaari umano itong magdagdag ng stress kay Romualdez, habang sinabi naman ni Roy sa panayam sa radyo na walang iregular tungkol sa request at ginawa para mapabilis ang paglilitis.

Sa proceeding, sinabi ni Fajardo na siya ay magpapasakop kung ano ang nais ng korte.

Wala si Roy sa proceeeding na ayon sa lead counsel ni Romualdez na si Rachel Ann Pomoy na ito ay masama ang pakiramdam.

Si Romualdez ay nahaharap sa P7.4 bilyong plunder dahil sa flood control scandal.

MARTIN ROMUALDEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with