Claimant, tiklo sa parcel na may P3.15 milyong ecstasy
MANILA, Philippines — Isang indibidwal na tumanggap ng parcel na may lamang P3.15 milyong suspected raw ecstasy ang inaresto ng Bureau of Customs (BOC) katuwang ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), kahapon.
Sa ulat, nasabat ng mga otoridad ang parcel na naglalaman ng tinatayang 743 gramo ng hinihinalang raw ecstasy na may estimated street value na P3,157,750 sa Central Mail Exchange Center (CMEC) sa Pasay City.
Kaagad binantayan ang parcel at inaresto ang suspek nang dumating ito sa EMS window upang kunin.
Batay sa rekord, dumating ang parcel mula sa Canada noong Setyembre 15, at idineklarang naglalaman ng mga bag at backpack, damit na pambata, tsokolate at confectionery, laruan, supplements, sapatos, tsinelas at iba pa.
- Latest




















