Rollback: P7 sa diesel, P6 sa gasolina at P1 sa kerosene

MANILA, Philippines — Bunsod ng potensiyal na usapang pangkapayapaan ng Estados Unidos at Iran, posible magkaroon ng rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.
Inaasahang hanggang P7.50 kada litro ang tapyas ng presyo ng diesel, P6 sa gasolina at P1 kerosene.
Ang pagtaya ng source ay base sa Mean of Platts Singapore at foreign exchange averages sa nakalipas na unang apat na araw na trading days.
Ang pinal na paggalaw sa presyo ng mga produktong petrolyo ay karaniwang iniaanunsiyo tuwing araw ng Lunes, at ipinaiiral naman kinabukasan, araw ng Martes.
- Latest


















