Sara-Robin tandem lumiit agwat sa Leni-Bam – survey

MANILA, Philippines — Nananatiling nangunguna ang hypothetical tandem nina Vice President Sara Duterte at Sen. Robin Padilla laban kina Naga City Mayor Leni Robredo at Sen. Bam Aquino para sa 2028 presidential at vice presidential elections.
Gayunman, ayon sa pinakahuling Tugon ng Masa Survey ng OCTA Research, lumiit na ang agwat ng dalawang tandem kumpara sa mga naunang survey.
Nakakuha ang tambalang Duterte-Padilla ng 48% suporta, habang 36% ang Robredo-Aquino tandem. Mayroon ding 16% respondent na hindi pa nakapagpapasya.
Ayon sa OCTA, ito na ang pinakamaliit na naitalang agwat sa pagitan ng dalawang tandem sa kanilang mga survey sa ngayon.
“In previous commissioned surveys conducted in 2025, the gap between the tandem of VP Sara Duterte-Sen. Robin Padilla and the tandem of VP Leni Robredo-Sen. Bam Aquino had ranged from approximately 20 to 25 points, indicating a narrowing trend heading into 2028,” ayon sa OCTA Research.
Isinagawa ang survey mula Hulyo 4-11, 2026 sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa 1,200 respondents na edad 18 pataas.
- Latest





















