Piyansa ng kapatid ni Kim Chiu, binabaan ng korte
MANILA, Philippines — Bahagyang binabaan ng Quezon City Regional Trial Court (QCRTC) ang piyansa ni Lakambini Chiu, kapatid ng aktres na si Kim Chiu para sa kanyang pansamantalang kalayaan sa kasong 124 counts ng qualified theft.
Sa inilabas na resolosyon ng QC RTC Branch 84, binawasan ng korte ang recommended bail ni Lakambini sa P5.6 milyon mula sa P5.8 milyon.
Ito ang tugon ng korte sa motion for reconsideration na naisampa ng kampo ni Lakambini na humihiling na maibaba ang piyansa nito para pansamantalang makalaya.
Pinayagan din ng korte si Lakambini na makapag-post ng cash bond kung saan maaari pang mabawasan ang kabuuang halaga.
Pero,mananatili sa P5.6 milyon ang piyansa ni Lakambini kung ito ay ipo-post sa pamamagitan ng surety bond, kung saan ginagarantiyahan ng isang bonding company sa korte ang nasabing halaga kapalit ng hindi na maibabalik na premium payment.
Si Lakambiniay nakakulong sa QC Police Kamuning Station makaraang maaresto noong nakaraang linggo sa parking lot ng isang condominium sa Mandaluyong sa bisa ng arrest warrant na inisyu ng QC Court na may petsang September 8.
Si Lakambini ay nakasuhan ng 124 counts ng qualified theft dahil sa P44.4 milyong financial discrepancies sa The House of Little Bunny Philippines, Inc. (HOLB) kung saan stakeholders dito si Lakambini at Kim Chiu.
- Latest
















