^

Probinsiya

Kongresista pa sa Cagayan Valley pumanaw

Joy Cantos, Victor Martin - Pilipino Star Ngayon

BASCO, Batanes, Philippines — Hindi pa man naililibing si Congressman Dakila “Dax” Cua sa lalawigan ng Quirino, isa pang mambabatas sa Cagayan Valley (Region 2) ang sumunod matapos ang biglaang pagpanaw ni Batanes Lone District Rep. Ciriaco Gato Jr., kamakalawa.

Kinumpirma ng provincial government sa pamamagitan ng kanilang opisyal na pahayag ang pagkasawi ng 66-anyos na mambabatas ng mga Ivatan na nasa pinakahilagang isla ng bansa.

“The Provincial Government of Batanes, together with the entire Ivatan community, joins as one in profound grief and mourning over the untimely passing of our beloved Congressman, the Honorable Dr. Ciriaco “Jun” Bayaras Gato Jr.,” pahayag ng provincial government sa kanilang social media page.

Bilang isang doctor, si Gato ay itinalaga bilang chairperson ng Committee on Health sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Tulad sa lalawigan ng Quirino, ang mga bandila sa buong isla ng Batanes ay inilagay sa “half mast” bilang tanda ng paglukluksa sa buong lalawigan.

Nagluluksa rin ang Nationalist People’s Coaltion (NPC) sa biglang pagpanaw ni Rep. Gato Jr. na kanilang ka-miyembro sa partido. 

Ayon sa Kamara, si Gato ay dumanas ng cardiac arrest o atake sa puso.

DEAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with