Mga riders, ‘wag pagamit sa sindikato! - Gen. Abrahano
MAGING maingat, mapanuri at mapagmatyag! Ito ang panawagan ni NCRPO director Brig. Gen. Christopher Abrahano sa mga delivery riders para hindi sila magamit ng mga drug syndicates at iba pang sangkot sa illegal na negosyo. “We are reminding all courier companies and delivery personnel: be vigilant. Do not allow your legitimate business to be unknowingly used as a tool by criminal syndicates in transporting illegal drugs or other contraband”, ang pahayag ni Abrahano.
Nabahala si Abrahano bunga sa dalawang insidente sa Marikina City kung saan napansin ng riders ang kahina-hinalang parcel na ipinagkatiwala sa kanila para ihatid. Subalit ng isangguni nila ito sa mga pulis, natuklasan na droga pala ang laman ng parcel. Dahil sa insidente, pinalakas ni Abrahano ang koordinasyon ng NCRPO sa mga kompanya ng courier at iba pang stakeholders upang maiwasang maulit ito. Dipugaaaaa! Anong sey n’yo mga kosa? Hehehe! Kelangan pa bang i-memorize ‘yan?
Sa pagbukas ng parcel, natuklasan na naglalaman ito ng iba’t ibang uri ng droga na nagkakahalagang P150,000. Purbidang yawaahhhhh! “We understand that couriers may unknowingly be used by these criminal groups. That is why vigilance and proper procedures are extremely important. If a transaction or package raises legitimate suspicion, report it immediately and coordinate with the authorities”, paliwanag ni Abrahano. Kung sabagay, kung hindi ito nai-report ng rider at nakumpiska sa posisyon n’ya, t’yak mabubulok s’ya sa kulungan. Kaya’t tumpak lang ang ginawa n’ya, para mailayo s’ya sa kapahamakan. Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!
Ayon kay Abrahano, dapat matiyak ng mga courier company na ang kanilang mga tauhan ay may kasanayan at may kaalaman kung paano makikilala ang mga kahina-hinalang transaksyon base sa mga umiiral na batas, regulasyon at internal security measure. “Criminal syndicates will always look for ways to exploit legitimate businesses. We will not allow our courier and delivery systems to become a convenient channel for their illegal activities”, ani Abrahano. Dapat mahigpit na sundin ng riders ang security protocols ng kanilang kumpanya para maiwasang magamit ang kanilang serbisyo sa iligal na gawain, ang giit ni NCRPO director. Mismooooo! Abangan!
- Latest















