OVP P785.2 milyong budget, pasado na sa Kamara

MANILA, Philippines — Pasado na sa Kamara ang panukalang P785.2 milyong pondo ng Office of the Vice President (OVP) para sa taong 2027 at wala ni isang Kongresistang tumutol.
Ang panukalang pondo ng OVP ay mas mababa ng 11.7% sa P889.236 milyong alokasyon ng tanggapan nito sa taong kasalukuyan.
Hindi dumalo si VP Sara sa panukalang pondo ng kaniyang tanggapan sa deliberasyon nito sa plenaryo ng Kamara.
Ayon kay Palawan Rep. Jose Alvarez, Vice Chairman ng House Committee on Appropriations si OVP Chief of Staff Lemuel Ortonio ang kumatawan sa opisina ni VP Sara matapos namang mabigong makadalo rito si OVP Chief of Staff Zuleika Lopez na umano ay nagkasakit.
Sa deliberasyon ng OVP budget na nagsimula ng alas-9:00 ng umaga ay wala ni isang mambabatas ang kumuwestiyon sa spending plan ng tanggapan na naglalayong ipagpatuloy ang pagkakaloob ng ayuda at serbisyo sa mga benepisaryo nito sa buong kapuluan.
Magugunita na noong Setyembre 2 ay iprinisinta ng OVP ang panukalang P785.204 milyong pondo ng ahensya para sa 2027 sa House Committee on Appropriations na pinamumunuan ni Nueva Ecija Rep.Mikaela Angela Suansing.
- Latest

















