^

Pang Movies

Gary, nakausap ang panginoon nang magka-cancer

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Gary, nakausap ang panginoon nang magka-cancer
Gary Valenciano

Sariwa pa rin sa alaala ni Gary Valenciano ang araw na natuklasan ng doktor na may cancer siya sa kidney, ilang taon na ang nakalipas.

Binalikan ng OPM icon ang masakit na karanasang iyon sa latest vlog ni Luis Manzano.

Kuwento ni Gary V., na ngayo’y cancer-free na, tinawagan niya ang mga malalapit niyang kaibigan sa Kapamilya para personal na ipaalam ang kanyang kondisyon sa kanyang bahay.

Kabilang sa mga dumating sina Luis at ang misis nitong si Jessy Mendiola, pati na sina Martin Nievera at Toni Gonzaga.

Ayon kay Gary V., sa emosyonal na tagpong iyon niya mas naramdaman kung gaano siya kamahal ng kanyang mga kaibigan sa industriya. “I saw kung gaano katotoo at kung gaano kalalim ‘yung pagmamahal sa akin ng mga Kapamilya ko. It will come out, but you want to make sure that the people that need to know need to hear it from me, not from anybody,” sey niya.

Nadiskubre ang cancer noong sumailalim si Gary sa heart bypass surgery. Nakita ng doktor na may “pleural effusion in his left lung” at nakita rin ang black spot sa kanyang kidney. “You know, even to a man of faith, that can be a shaking moment. Kasi cancer hindi ba, hindi mo alam kung ano ang magiging outcome?

“Kasi iba ‘yung ‘lola mo, ‘yung tatay mo may sakit.’ It’s different from, ‘ikaw, you have cancer.’ Hindi ba minsan kapag may nangyayari sa mga anak natin, ‘sana ako na lang?’ Eto na. And, somehow that still prevails. ‘Yung parang, ‘at least it’s me, it’s not Angeli, it’s not Paolo, it’s not Gab, it’s not Kiana. It’s me. Okay. ‘Lord, ikaw na bahala.’”

Ginamit nga raw ni Gary ang moment na iyon para mas makausap niya ang Panginoon at balikan muli ang mga binigay sa kanyang pagsubok sa buhay. “I had my moment with God, and I said, ‘Lord, I’m here again. Hindi pa ba sapat ‘yung diabetes? Hindi pa nga ako gumagaling after bypass, ito naman, I’m here again.’

“But at that moment, in the same way that I felt that presence in 1985, there was that presence again in that room. It was like He sat at the foot of my bed to say, ‘I know, and I’m here again also.’ That’s Him and then peace, inexplicable peace na parang, ‘okay, all right.’

“And God will see you through the darkest, deepest, most painful, and roughest moments in your life.”

Rachelle, panay ang pasasalamat

 Nagdiwang ng kanyang ika-40 kaarawan si Rachelle Ann Go noong nakaang buwan.

Sa isang Instagram post, ibinahagi ng theater actress ang ilang larawan mula sa kanyang birthday celebration kasama ang kanyang pamilya at mga mahal sa buhay.

Sa pagtungtong niya sa edad na 40 ang pasasalamat sa Diyos para sa lahat ng biyayang dumarating sa kanyang buhay. “40 years of God’s grace, goodness, and faithfulness. Thankful for my family, my two little blessings, and the beautiful circle of people God has placed in my life. 40 years of God’s grace, goodness, and faithfulness. Thankful for my family, my two little blessings, and the beautiful circle of people God has placed in my life,” bahagi ng caption niya.

Nakatanggap si Rachelle ng birthday greetings mula kina Lea Salonga, Jaya and Matteo Guidicelli, at iba pa.

Naka-base sa UK si Rachelle at ang mister niyang si Martin Spies at ang kanilang dalawang anak na sina Lukas at Sela.

Huling pagdalaw ni Rachelle sa bansa ay noong nakaraang March kasama ang buong cast ng Les Misérables: The World Tour Spectacular na nagtanghal sa The Theatre @ Solaire.

Gwyneth at brad, love at first sight noon

Nag-throwback si Gwyneth Paltrow sa naging past relationship niya noon with Brad Pitt. Nagkakilala ang dalawa sa set ng 1995 movie na Se7en. May immediate attraction daw sa kanilang dalawa.  “I got cast in the movie with Brad, and I met him on set, and we had kind of a love at first sight thing. It was pretty awesome. It was really fun. He was so beautiful, and I think he was 31 and I was 22,” pag-alala niya.

Nagsisimula pa noon si Gwyneth, pero si Brad ay na-established ang sarili as a Hollywood star dahil sa mga pelikulang Thelma & Louise, Legends of the Fall, 12 Monkeys, and Interview with the Vampire.

Nag-date sila ni Brad ng tatlong taon at na-engaged sila noong 1997. “We didn’t get married. I was just young, and we were working all over different parts of the world.

“I was so bummed when we broke up, and I think that the press aspect and all that makes it feel larger than life in a way. You have to carry this faux cultural importance piece and it’s this extra burden and this extra almost shame that it didn’t work out. It was hard.”

Years later, kinasal si Pitt kina Jennifer Aniston (2000-2005), at Angelina Jolie (2014-2019).

Kinasal naman si Gwyneth sa Coldplay frontman Chris Martin (2003-2016), at sa producer na si Brad Falchuk (2018).

GARY VALENCIANO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with