^

Probinsiya

SUV ng LGU na nag-counterflow, inalarma ng LTO

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
SUV ng LGU na nag-counterflow, inalarma ng LTO
Undated photo of Land Transportation Office in Sta. Cruz Manila.
Philstar.com / Irra Lising

MANILA, Philippines — Inalarma ng Land Transportation Office (LTO) ang SUV ng local government unit (LGU) ng Nueva Ecija na nag-counterflow sa isang pampublikong kalsada at pagbiyahe ng sasakyang na paso ang rehistro.

Sinuspinde na rin ng LTO ng 90 araw ang lisensiya ng driver ng nasabing SUV.

Ang hakbang ay ginawa ng LTO nang makita sa isang viral video na bumibiyahe ang isang SUV na nakasalungat sa daloy ng trapiko habang may mga kasalubong na motorsiklo at iba pang motorista. Ang sasakyan ay  huling nairehistro noong Setyembre 3, 2024.

Dahil dito, inaatasan ng LTO ang kinatawan ng LGU at ang driver ng sasakyan na humarap sa Office of the Intelligence and Investigation Division (IID) sa LTO Central Office, East Avenue, Quezon City, upang magsumite ng sinumpaang komento o paliwanag at mga kaukulang orihinal na dokumento kaugnay ng insidente.

Ilan sa nakitang paglabag ng driver ay ang pagmamaneho kontra sa daloy ng trapiko, Reckless Driving o mapanga­nib na pagmamaneho, at pagmamaneho ng hindi rehistradong sasakyan, bukod pa sa Improper Person to Operate a Motor Vehicle at iba pang pananagutan na maaa­ring matukoy sa nagpapatuloy na imbestigasyon.

LTO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with