^

Police Metro

Mga biktima ng M/V June Aster ‘wag pabayaan – Tulfo

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Agaran bigyan ng maayos na danyos ang mga biktima ng trahedya sa M/V June Aster, ang passenger ferry na nasunog sa Coron, Palawan noong Setyembre 9.

Ito ang hiling ni Senador Erwin Tulfo sa pamahalaan na kung saan ay 77 ang nasawi habang walo ang nananatiling nawawala, dahilan upang ituring ito na “one of the country’s most deadliest maritime tragedies in recent years”.

“Nakakakilabot at napasakit po ng nangyaring ito. Hindi tayo puwedeng manahimik lang at pabayaan ang mga naulilang pamilya at ang mga survivors na labis na na-trauma,” wika ni Tulfo. Ang panawagan ng Senador ay kasunod ng mga natanggap na ulat mula sa mga nagdadalamhating pamilya na pinauwi na lamang daw at pinaghihintay ng mga labi ng kanilang mga mahal sa buhay.

Ayon pa sa mga biktima, pinabayaan na umano sila ng operator ng ferry, ang Atienza Interisland Ferries Inc.

“Hindi po parcel ang labi ng kanilang pamilya! Puno ng pangarap ‘yung mga kababayan natin na lumayag mula sa Baseco port, tapos ay mamamatay, mato-trauma, at papabayaan lang? Kawalan ng hustisya ito!” pahayag pa ng Senador na nagmula rin sa Palawan.

Hinimok ni Tulfo ang Philippine Coast Guard (PCG) at Maritime Industry Authority (MARINA) na paspasan ang imbestigasyon at tiya?ing mapapanagot nang buo ang kumpanya ng ferry. “Ano ba talaga ang nangyari sa ferry na iyon? May mga inilagay ba doon na peligrosong kargamento? At bakit sa mga nakikitang video ng mga survivor, parang walang emergency protocols na sinunod noong sumiklab ang sunog?” tanong ng Senador.

Tiniyak ni Tulfo na dadalhin niya ang usaping ito sa Senado para maabot ang hustisya para sa mga biktima ay makabuo ng reporma sa sistema.

PALAWAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with