4 estudyante tepok sa leptospirosis sa Bulacan

MANILA, Philippines — Nasa apat na estudyante ng Sta. Maria National High School sa Barangay Bagbaguin, Santa Maria, Bulacan ang nasawi matapos tamaan ng sakit na leptospirosis.
Sa pahayag ng Sta. Maria National High School–Supreme Secondary Learner Government, sina John Carl Corpuz, 12; Prince John Fernando, 8; Andrei Mariano 12; at Mark Daniel Oquelda, 10-taong gulang ay kabilang sa mga mag-aaral na nasawi dahil sa naturang sakit.
Magkakasunod na pumanaw ang mga estudyante mula September 1 hanggang September 15, taong ito, matapos ang mga pagbabaha sa lugar.
Paalala ng mga awtoridad, iwasang lumusong o lumangoy sa baha lalo na kung may posibilidad na kontaminado ito ng ihi ng mga daga, dahil dito maaaring makuha ang leptospirosis.
Mahalaga rin anila na panatilihing malinis ang paligid, magsuot ng proteksiyon kapag kailangang lumusong sa baha, at agad magpatingin sa doktor kapag makaranas ng lagnat, pananakit ng katawan o iba pang sintomas matapos ma-expose sa baha.
Kung may kakaibang nararamdaman, agad na kumonsulta sa doctor.
- Latest
























