11-anyos patay, 3 pa missing sa pagragasa ng baha .

COTABATO CITY, Philippines — Patay ang isang Grade 5 pupil habang tatlong kapwa mag-aaral ang nawawala matapos silang tangayin ng rumaragasang baha habang nangingisda sa ilog sa Kabacan, Cotabato nitong Huwebes ng hapon.
Ayon sa mga local executives at personnel ng Kabacan Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), narekober ng mga emergency responders ang bangkay ng 11-anyos na batang lalaki sa isang bahagi ng Pulangi River sa Sitio Lumayong, Barangay Kayaga.
Lumalabas sa imbestigasyon na walo silang magkakasama, pawang mga lalaki, at nangingisda sa nasabing ilog nang biglang rumagasana ang tubig-baha mula sa mataas na bahagi ng lugar kaya sila tinangay ng malakas na agos.
Nasagip naman ang apat na pawang grade schoolers at itinurn-over na sa kanilang pamilya ng mga rumespondeng personnel ng Kabacan MDRRMO at barangay officials.
Gayunman, ang apat pang estudyante ay nilamon ng tubig at isa rito ang kalaunan ay narekober ang bangkay.
Patuloy na pinaghahanap ng mga awtoridad ang tatlo pang nawawala.
- Latest


















