^

PSN Palaro

Filipino woodpushers nanalasa sa Chess Olympiad

Elech Dawa - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Humarurot agad ng panalo ang Team Philippines matapos ilista ng men’s at women’s ang tig 4-0 panalo kontra Togo at Malawi sa simula ng 46th World Chess Olympiad na nilalaro sa Samarkand, Uzbekistan Miyer­kules ng gabi.

Nagtala ng panalo sina International Maters Michael Concio Jr., Paulo Bersamina, Grandmaster Daniel Quizon at IM Jem Garcia sa boards 1, 2, 3 at 4, ayon sa pagkakasunod laban sa Togolese.

Nagpasiklab sa women’s side sina Mhage Sebastian, Ruelle Canino, Jan Jodilyn Fronda at Shania Mae Mendoza para ibaon ang Malawians.

Hindi naman naglaro sa first round sina GM Darwin Laylo at Woman GM Janelle Mae Frayna.

Inaasahang mapapalaban sa susunod na laro ang men’s team dahil makakatapat nila ang seventh seed na Azerbaijan na pinangungunahan ni super GM Shakhriyar Mamedyarov na may elo rating na 2720.

Makakatapat ng women’s team ang Syrians.

Ang kampanya ng Team Philippines ay inisponsoran ng Philippine Sports Commission, nagtapos ng 59th ang men’s nakaraang edition sa Budapest, Hungary may dalawang taon na ang nakalipas.

Tumapos naman ng 24th ang women’s sapat upang mag-gold medal sa Category B sa unang pagkakataon.

CHESS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with