^

PSN Showbiz

Never-before-seen scenes, ilalabas sa free TV!

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Never-before-seen scenes, ilalabas sa free TV!
Janine at Jericho
STAR / File

The Loyalty Game, papalit sa Secret

Matapos ang matagumpay nitong pag-ere sa Prime Video Philippines, kung saan palagi itong nangunguna sa listahan ng most-watched list shows nito, mapapanood na rin sa free TV at streaming ang The Loyalty Game: Level Up simula Oktubre 5.

Ito ang magiging kapalit ng A Secret in Prague nina Enrique Gil and Andrea Brillantes na magtatapos na sa Oct. 2. May contract daw na 115 episodes lang ito, kaya talagang ending na.

Anyway, mapapanood ang The Loyalty Game: Level Up sa Kapamilya Channel, TV5, ALLTV2 at A2Z, at sa Kapamilya Online Live at iWant. Inilabas na ng ABS-CBN Studios ang bagong poster ng The Loyalty Game: Level Up na makikita ang mas mga exciting na eksena at rebelasyong hindi pa napanood sa orihinal nitong streaming version.

Unang umani ng suporta ang Star Creatives suspense thriller sa Prime Video Philippines, kung saan palagi itong nanguna sa most-watched series habang lingguhang inilalabas ang mga bagong episode. Hanggang ngayon ay pasok pa rin ito sa Top 10 ng streaming platform. Gumaganap sina Jericho Rosales at Janine Gutierrez bilang mag-asawang Ben at Ana, na masusubok ang pagsasama nang mabunyag ang mga lihim tungkol sa katapatan, pagtataksil at tiwala. Ang simpleng pagsubok sa kanilang relasyon ay mauuwi sa isang mapanganib na laro ng pag-ibig, panlilinlang at pagtataksil—at bawat rebelasyon ay maaaring tuluyang sumira sa kanilang pagsasama.

Kasama rin sa cast sina Charlie Dizon, Sofia Andres, Yassi Pressman, Yen Santos, Elisse Joson, Karina Bautista, KD Estrada, Robbie Jaworski, Alyanna Angeles, Kira Balinger, Maika Rivera at Carmina Villarroel. Kabilang din sa serye ang mga beteranong aktor na sina Carlitos Siguion-Reyna, Bernard Palanca, Desiree del Valle at Pilar Pilapil. Ito ay sa ilalim ng direksyon ni Mae Cruz-Alviar kasama sina Ian Loreños, Raymund Ocampo at Cathy Garcia- Sampana.

Anyway, kasabay na magtatapos ng A Secret ?n Prague ang My Bespren Emman.

PRIME VIDEO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with