Walang VIP treatment kay Romualdez – Remulla

MANILA, Philippines — Walang VIP treatment kay dating House Speaker Martin Romualdez.
Ito naman ang tiniyak ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla sa press biefing sa Camp Crame kasabay ng pahayag ni Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Spokesperson JSupt Jayrex Bustinera na kasama ni Romualdez ang tatlo pang persons deprived of liberty (PDLs) sa isang 50-square-meter jail infirmary na nangangailangan din ng medical monitoring. Wala itong air-conditioning ngunit may hospital beds, exhaust fans at common bathroom.
Agad na inilipat si Romualdez sa Quezon City Jail sa Payatas matapos na maglabas ng commitment order ang Sandiganbayan at mga rekomendasyong medikal ng Philippine General Hospital na clinically stable na ang kongresista at hindi na kailangang manatili sa acute care hospital, bagama’t kailangan pa rin niya ng patuloy na medical care at monitoring.
“Ang recommendations ng PGH doctors: He is fit to be confined but has to be under medical supervision,” ani Remulla.
Sinabi ng BJMP na sumailalim si Romualdez sa parehong booking procedures na ipinatutupad sa iba pang PDL, kabilang ang medical evaluation, fingerprinting, mugshot, interview, at orientation. Patuloy din siyang imo-monitor ng BJMP medical personnel, habang maaari siyang dalawin ng kanyang personal doctors sa mga awtorisadong oras.
- Latest
















