^

Pang Movies

Dingdong, pahinga muna sa family...

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Dingdong, pahinga muna sa family...
Dingdong Dantes

Mapapanood araw-araw ng mga Kapuso viewer si Michael V., habang pansamantalang ginagampanan ng Kapuso Comedy Icon bilang host ng Family Feud.

Yes, simula sa Huwebes, Sept. 17, hahalili si Bitoy bilang host ng nasabing popular game show ng GMA 7 habang abala si Dingdong Dantes sa mga taping ng The Master Cutter.

Sa  interview with Kapuso PR, sinabi ni Bitoy ang kanyang pananabik at pagbabalik-tanaw sa pagiging host ng game show.. “Naku, napakasaya, miss na miss ko na ‘yung pagho-host. Matagal ko nang iniisip-isip ‘to eh, na-miss ko nga ba o hindi? Pero nung sumalang na ako dito sa Family Feud, oo nga na-miss ko nga!

“At gusto ko ‘yung interaction, gusto ko ‘yung meeting new people at saka ‘yung mga sagot na binibigay nila para malaman mo ‘yung personality nila,”  sabi niya.

Wala nang kailangang patunayan si Michael V.,  bilang komedyante, aktor, host, manunulat, at direktor, dadalhin ni Bitoy ang kanyang natatanging talino at katatawanan sa programang may mataas na rating.

Ibinahagi niya na nagdagdag siya ng ilang mga twist sa karaniwang gameplay mechanics ng palabas: “Nilaro lang natin ng konti. Madalas kasi kamay sa mesa ‘yung binibigay ni Dong na request. Request lang pala ‘yun, so parang puwede namang iba-ibahin. So saan-saan ko pinahawak lalo kapag mga beauty queen, gusto ko kamay sa korona. At saka iba-iba pang parte ng katawan. Paborito ko ‘yung sa dancers. Kayang-kaya nilang mag-bend at mag-contort ng katawan nila, kaya pinahawak ko sila sa sahig. [laughs]”

Maraming nalungkot nang magpaalam si Dingdong kahapon na hindi muna siya mapapanood bilang host.

Inabangan ang nasabing pamamaalam ni Dingdong matapos siyang mag-post ng “May mahalagang announcement po ako mamayang 6:25pm sa GMA Network…”

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with