Jao, nagsisi sa ginawa ni Rosanna!

Inamin ni Jao Mapa ang naging relasyon nila noon ni Rosanna Roces sa Kay Susan Tayo! Vlogs.
Ayon sa ‘90s heartthrob, 18 years old lang daw siya noong magtambal sila ni Osang sa sexy drama-comedy film na Matrikula noong 1997. At nagkaroon sila ng brief May-December affair. “After doing the movie, siguro months. Months lang. Two, three, I think. She’s really nice to work with. I love her,” sey ni Jao.
Noong panahon na iyon, alam ni Jao na may asawa’t mga anak na si Osang. At pinagsisihan daw ni Jao ‘yung pagtanggap niya sa pelikula. “Ako, bata pa ako noon eh. Hindi ko alam kung paano gumawa ng mga ganitong pelikula. Siyempre, bago sa akin. Nagsisisi na nga ako kung bakit ginawa ko ‘yung pelikula,” diin niya.
Sumabak sa ilang daring na eksena si Jao kasama si Osang. Inamin niyang naghalo ang takot at kaba noong i-shoot nila ang mga eksena dahil hubo’t hubad daw sa set si Osang. “Doon ako kinabahan talaga. Knowing Rosanna Roces, when you work with her, talagang ikaw pa matatakot eh. Wala nang damit-damit ‘yan eh. Hubad ‘yan eh. Hubo’t hubad. Lahat!
“Pero naalala ko nu’n, when I was kissing her, nanginginig pa ‘yung labi ko. Hindi ko alam kung natatandaan niya ‘yun. Pero, ‘yun ang naaalala ko,” pag-alala pa ni Jao.
Ngayon, bukod sa pagiging busy niya sa kanyang paintings, muling nagbabalik sa pag-arte si Jao.
Empress, may bagong girl
Girl ang magiging bagong baby ng aktres na si Empress Schuck at ng husband niyang si Vino Guingona. Naganap kamakailan ang gender reveal party ni Empress at doon nalaman na baby girl ang isisilang niya very soon. “I can’t believe it! It’s another girl! This day wouldn’t have been as special without all of you. So grateful for the love and effort!” caption ni Empress sa kanyang post sa social media.
May 10-year-old daughter na si Empress named Athalia. Noong 2024, nagkaroon ng miscarriage ang aktres.
Huling napanood si Empress sa The Secrets of Hotel 88.
Widow’s Bay, waging-wagi sa Emmy Awards
Ang comedy series ng Apple TV+ na Widow’s Bay ang big winner sa katatapos na 78th Primetime Emmy Awards. Nag-uwi ito ng 14 awards including Outstanding Comedy Series.
Outstanding Drama Series naman ang The Pitt at napanalunan din nito ang best drama actor for Noah Wyle.
Dalawang actors ang nagtala ng Emmy history. Una ay si Matthew Rhys na first actor na manalo on the same night ng best actor for both Limited Series (The Beast in Me) at comedy series (Widow’s Bay). Pangalawa ay si Jean Smart na first actress na napanalunan ang limang best comedy actress awards sa five seasons ng Hacks.
Binigyan naman ng special tribute ng Emmy ang mga pumanaw na sina Catherine O’Hara, Dolly Parton at Rob Reiner.
Nagkaroon ng special reunion onstage sina Jaclyn Smith, Cheryl Ladd at Kate Jackson para sa 50th anniversary ng Charlie’s Angels. Gayundin din sina Sarah Michelle Gellar at David Boreanaz para sa 30th anniversary ng Buffy The Vampire Slayer.
- Latest























