^

Police Metro

Duterte, personal na humarap sa ICC sa unang pagkakataon

Malou Escudero - Pang-masa
Duterte, personal na humarap sa ICC sa unang pagkakataon
Former president Rodrigo Duterte appears in person before the International Criminal Court (ICC) judges in The Hague for the first time to participate in the third status conference on his crimes against humanity case on September 16, 2026.

MANILA, Philippines — Sa unang pagkakataon ay personal na humarap sa International Criminal Court (ICC) noong Miyerkules si dating Pangulong Rodrigo Duterte na nahaharap sa mga kasong may kaugnayan sa kanyang “war on drugs” na ikinasawi ng libu-libong katao.

Ang 81-anyos na si Duterte ay unang humarap sa korte sa The Hague sa pamamagitan ng video link nang siya ay unang dalhin doon ngunit mula noon ay hindi na siya dumalo sa ilang pagdinig dahil iginiit ng kanyang defense team na siya ay may malubhang karamdaman.

Nakasuot ng dark suit at puting polo na walang kurbata, nakaupo ang dating pangulo habang nakapatong ang kanyang baba sa kanyang mga kamay nang magsimula ang mga paglilitis.

Napansin ni Judge Joanna Korner ang unang personal na pagharap ni Duterte sa korte at sinabi nitong maaari siyang umalis anumang oras nang hindi na kailangang humingi ng pahintulot sa mga hukom.

Nahaharap si Duterte sa tatlong kaso ng crimes against humanity, kung saan sinasabi ng mga tagausig na sangkot siya sa hindi bababa sa 76 na pagpatay mula 2013 hanggang 2018 sa panahon ng kanyang kampanya laban sa mga gu­magamit at nagbebenta ng ilegal na droga.

Siya ang kauna-unahang dating pinuno ng isang estado sa Asya na haharap sa paglilitis sa ICC na nag-uusig sa mga indibidwal para sa pinakamabibigat na krimen sa mundo tulad ng war crimes at crimes against humanity.

Itinakda ni Judge Korner ang Nobyembre 30 ang simula ng paglilitis, na maaaring tumagal nang ilang buwan o maging ilang taon.

Ang pagdinig nitong  Miyerkules ay isang “status conference” para talakayin ng mga partido at ng hukom ang mga detalye at usaping logistical ng kaso.

Ang tanging pagkakataong nakita si Duterte mula nang siya ay maaresto noong Marso 2025 ay sa kanyang ­unang pagharap sa korte sa pamamagitan ng video.

INTERNATIONAL CRIMINAL COURT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with