^

Punto Mo

Ang mga anak ay repleksiyon ng magulang

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

1. Mabait at mahinahon ang bata dahil pinalaki siyang hindi sinisigawan.

2. Nagiging matapang at malakas ang loob ng bata dahil pinapahalagahan ang kanyang pagsisikap.

3. Mas mabilis magbukas ng kanilang damdamin ang mga bata kapag sila ay pinakikinggan.

4. Natututo ang mga bata na kusang magsimba kapag sila ay inaanyayahan at hindi pinipilit.

5. Kalmado ang mga bata kapag marunong kontrolin ng kanilang mga magulang ang kanilang emosyon.

6. Nagiging honest ang isang bata kung ang pagsasabi niya ng katotohanan ay hindi sinu­suklian ng galit at pagpaparusa.

7. Natututong maging maayos at disiplinado ang mga bata dahil araw-araw silang nakakakita ng mabubuting halimbawa.

8. Natututong magpasalamat ang mga bata kapag  naririnig nilang marunong magpasalamat ang kanilang magulang kahit sa maliliit na bagay.

9. Nagiging mapagbigay ang mga anak kapag nakikita nilang marunong magbahagi at tumulong ang kanilang magulang sa mga nangangailangan.

10. Natututong humingi ng tawad ang mga bata kapag nakikita nilang umaamin ng kasalanan at marunong mag-sorry ang kanilang magulang.

11. Nagiging maingat sa pananalita ang isang bata kapag  hindi sila nakakarinig ng masasakit at mapanlait na salita sa loob ng tahanan.

12. Nagiging mapagmahal ang mga anak kapag lumaki silang nakakaramdam ng pagmamahal, respeto at seguridad sa mga magulang.

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with