^

Police Metro

Mugshots ni Romualdez, inilabas ng DILG

Angie dela Cruz - Pang-masa
Mugshots ni Romualdez, inilabas ng DILG

MANILA, Philippines — Inilabas nitong Martes ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga bagong mugshot ni dating House Speaker at kasalukuyang Leyte 1st District Rep. Martin Romualdez.

Isinagawa ang pagkuha ng larawan nang ilipat ito sa New Quezon City Jail sa Payatas noong Lunes ng gabi, Setyembre 14, kasunod ng direktiba mula sa Sandiganbayan Third Division.

Ayon kay Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) spokesperson Jayrex Bustinera, kasalukuyang nananatili si Romualdez sa infirmary ward ng pasilidad kasama ang tatlong iba pang persons deprived of liberty (PDLs).

Ang naging desisyon sa kaniyang selda ay batay sa pagsusuri ng kaniyang personal na doktor at ng mga independent doctor mula sa Philippine General Hospital (PGH).

Sinabi ng tagapagsalita ng BJMP na hindi na kailangang manatili si Romualdez sa ospital dahil kaya nang ibigay ng BJMP ang mga kinakailangang medikal na atensyon habang siya ay nakadetine.

Idinagdag naman ni DILG Secretary Jonvic Remulla na walang aircon ang selda ng dating Speaker at gumagamit ito ng pampublikong banyo kasama ng ibang bilanggo.

Nakatakdang harapin ni Romualdez ang kaniyang arraignment at pre-trial proceedings sa Sandiganbayan ngayong Miyerkules, Setyembre 16.

Nahaharap ang mambabatas sa kasong plunder sa anti-graft court dahil sa umano’y kickbacks na umaabot sa mahigit P7.4 bilyon mula sa flood control projects.

MARTIN ROMUALDEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with