^

Police Metro

Trak nag-dive sa bangin: 6 todas, 15 sugatan

Artemio Dumlao - Pang-masa

MANILA, Philippines — Anim katao ang nasawi habang 15 ang sugatan nang bumulusok sa 50 metrong bangin ang isang Elf truck na lulan ng 23 pasahero sa Talubin-Barlig Road, Sitio Jakap, Barangay Talubin,Bontoc, Mt. Province Martes ng tanghali.

Sa ulat, alas-12:40 ng tanghali nang mawalan umano ng kontrol ang driver sa minamanehong truck kaya’t sumadsad sa gilid ng kalsada bago tuluyang mahulog sa malalim na bangin.

Nabatid na galing sa Isabela ang truck,dumaan sa Paracelis, Mountain Province, at patungo sana sa Bakun, Benguet nang mangyari ang trahedya.

Batay sa ulat ng Mountain Province police, 15 nakaligtas ang ginagamot sa ospital habang dalawa naman ang pinauwi matapos malapatan ng lunas.

Patuloy ang rescue operation upang matiyak na walang naiwan pang biktima sa bangin.

Gayunman, nahihirapan ang mga rescuer dahil sa mabagsik na terrain at kawalan ng communication signal sa lugar.

AKSIDENTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with