Driver nila Rhian, maghahain ng motion for reconsideration

Ibinasura ng Makati City Prosecutor’s Office ang reklamong inihain ni Bonifacio “Totoy” Baro laban kina Michelle Dee, Rhian Ramos at Samantha Panlilio kaugnay ng kasong assault, slight illegal detention, slight physical injuries, maltreatment at unlawful arrest.
Si Baro ang dating driver ni Rhian na pinagbintangang nagnakaw ng isang red envelope na naglalaman umano ng mga sensitibong larawan.
Ikinatuwa naman ng kampo ni Michelle Dee ang pagkaka-dismiss ng kaso dahil wala itong merito.
“We are very happy with the resolution. In the end, justice and truth prevail,” sey ni Atty. Maggie Garduque na nire-represent sina Dee, Ramos at Panlilio.
Nakasuporta naman ang The Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) kay Baro at tsina-challenge nila ang dismissal at tinawag nila itong “questionable.”
Ayon pa sa VACC: “We will support Baro in filing a Motion for Reconsideration and pursue all available legal remedies, including elevating the case to the Supreme Court if necessary.”
Kara, ‘di pa natutupad ang birthday wish noong isang taon
Ipinagdiwang ng award-winning broadcast journalist na si Kara David ang kanyang ika-53 kaarawan noong Sept. 12.
Tumanggap si Kara ng birthday requests mula sa Pinoy netizens na nag-aabang sa kanyang kaarawan. Hiling ng netizens na sana ay i-renew ng Kapuso journalist ang naging birthday wish niya noong nakaraang taon na nag-trending online.
Iba ang naging paraan ni Kara sa kanyang birthday wish ngayong taon dahil hindi raw natutupad ang wish kapag maraming nakakarinig. Kaya sa video, makikitang pumikit si Kara at tahimik na bumulong ng kanyang hiling.
“Hindi natutupad ang mga wish kapag sinasabi sa mga tao, so, ganito na lang, para matupad na talaga,” sey niya.
Mababasa sa comments section ang mga reaksyon ng netizens, kung saan karamihan ay umaasang matupad pa rin ang birthday wish ni Kara noon na may kaugnayan sa umano’y kurakot sa bansa.
Legendary hollywood costume designer, namaalam na
Pumanaw sa edad na 87 noong Sept. 14 ang legendary Hollywood fashion and costume designer na si Bob Mackie.
Nakilala si Mackie bilang pamosong designer ng maraming singers, actresses at Hollywood divas tulad nina Cher, Diana Ross, Bette Midler, Tina Turner, Liza Minnelli, Lynda Carter, Ann-Margaret, Miley Cyrus, Zendaya, Anya Taylor-Joy at Barbra Streisand, pati na rin ni Elton John.
Tinawag din si Bob na “patron saint of drag queens,” dahil sa influence ng costumes niya sa mga naging contestants ng RuPaul’s Drag Race.
Unang trabaho ni Bob bilang costume designer ay sa comedy show na The Carol Burnett Show in 1967. Nasundan ito ng paggawa ng costumes para sa singer-actress na si Mitzi Gaynor sa shows nito sa Las Vegas in 1975.
Naging muse niya si Cher nang makatrabaho niya ito sa The Sonny & Cher Comedy Hour in 1971. Simula no’n, siya na ang nagdadamit kay Cher sa red carpet, concerts at awards shows.
Dahil sa kanyang husay, nagawaran si Bob ng nine Emmy Awards, a Tony Award and three Oscar nominations.
- Latest



















