Pacquiao kumalas sa NCFP
MANILA, Philippines — May halos isang buwan mahigit na ang mga naglalabasan sa social media na hindi magagandang nangyayari sa pamamalakad ng ilang opisyal sa National Chess Federation of the Philippines, (NCFP).
At maging si boxing hero Manny Pacquiao ay nakakatanggap ng mga reklamo mula sa maraming indibidwal at mga chess club sa buong bansa hinggil sa maling pamamahala ng ilang opisyal kung saan ay lubhang nakaapekto ito sa sport.
Kaya sinabi ng 47- anyos na boxing icon na tinanggihan na niya ang pagkakahalal sa kanya bilang vice president para sa Mindanao ng NCFP noong nakaraang Hulyo.
Bagama’t nagpasalamat siya sa tiwala ng mga miyembro ng NCFP matapos siyang ihalal nang wala sa pagpupulong (in absentia), binigyang-diin ni Pacquiao na lubos siyang hindi sumasang-ayon sa direksyong tinatahak ng lokal na pederasyon ng chess.
“Mahal natin ang sports, mahal natin ang kapwa ko mga atleta kaya naman laging nakahanda ako na gawin ang aking makakaya para makatulong,” sabi ni Pacquaio.
Sinabi ni Pacquiao na ang nakaraang 2026 Manny Pacquiao International Chess Championships sa General Santos City na nilahukan ng mga foreign players mula sa Asya at Europa ay hindi binasbasan (sanction) ng NCFP sa kabila ng pagbabayad niya ng kaukulang sanctioning fee na direktang idineposito sa bank account ng pederasyon.
Ang permiso sanang ito ang magbibigay-daan sa mga Filipino woodpushers tulad ni Gian Carlo Arca na makakuha ng norm at tournament ra?ing mula sa pandaigdigang organisasyon ng chess na FIDE.
- Latest

















