Commercial building nasunog, bumbero sugatan

LUCENA CITY, Philippines — Nasugatan ang isang tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP) matapos tamaan ng minor electrical shock habang rumeresponde sa sunog na tumupok sa isang 4-storey commercial building at mga katabing establisyimyento sa Enriquez St. Barangay 4 sa lungsod na ito, kamakalawa ng umaga.
Base sa ulat, alas-5:00 ng umaga nang sumiklab ang apoy sa isang auto supply store at 11 stalls ng dry goods sa nasabng commercial building.
Mabilis namang dinala sa ospital ang nasugatang BFP personnel na si “FO2 Andy” para sa kaukulang lunas.
Idineklarang fire out ng BFP ang sunog dakong alas-7:49 ng umaga. Patuloy ang imbestigasyon sa sanhi ng sunog habang nasa mahigit P1-milyon ang tinatayang halaga ng mga ari-arian na natupok.
- Latest






















