^

Police Metro

Cayetano siblings, nakabalik na ng Pinas

Malou Escudero - Pang-masa
Cayetano siblings, nakabalik na ng Pinas
Sens. Alan Peter Cayetano and Pia Cayetano don their impeachment robes on May 18, 2026 as they formally begin proceedings on the Articles of Impeachment transmitted by the House of Representatives.
Senate of the Philippines via Facebook

MANILA, Philippines — Nakabalik na ng Pilipinas ang magkapatid na sina Senador Alan Peter Cayetano at Senadora Pia Cayetano nitong Sabado matapos ang kanilang pagbisita sa Singapore.

Sa isang social media post, sinabi ni Senador Alan Peter na ligtas silang nakauwi sa bansa.

Ipinaliwanag ni Senadora Pia na matagal nang nakatakda ang kanyang pagbiyahe upang suportahan ang Philippine national team na lumahok sa Asia Pacific Padel Tour sa Singapore.

Hindi naman nito nilinaw kung may kaugnayan din sa naturang torneo ang pagpunta ng kanyang kapatid o kung may iba itong pakay sa naturang bansa.

Kinumpirma ng Bureau of Immigration na umalis ng bansa ang magkapatid na senador noong Miyerkules.

Ayon naman kay Senador Panfilo “Ping” Lacson, hindi isyu sa ngayon ang pag-alis ni Alan Peter Cayetano at dapat umano itong mabigyan ng pagkakataong makapagpahinga mula sa mga kontrobersyang kinakaharap nito.

ALAN PETER CAYETANO

PIA CAYETANO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with