Ginang, himalang gumaling sa lung cancer!
(‘Kasaysayan ni Mrs. Chantal Elias Ghatass, ng Rmileh, Lebanon).
NAGSIMULA ang sakit ni Chantal noong 2016. Sumailalim siya sa maraming medical tests, chemotherapy sessions at radiation sessions.
Noong 2021, nakita sa CT scan ang 5 cm cancerous tumor sa kanyang spleen. Sumailalim siya sa anim pang chemotherapy sessions.
Noong December 21, 2023, nakita sa tests na ang cancer ay kumalat na sa kanyang lungs, spleen, abdominal lymph nodes, at adrenal gland.
Habang pinahihirapan ng sakit, ang anak ni Chantal na si Loreen at ang asawa nito ay bumisita sa shrine ni Saint Charbel sa Annaya, Lebanon. Pagbalik ng mga ito, may dala itong soil, oil, water at oak leaves.
Ayon kay Chantal, pinaghalu-halo niya ang mga iyon sa plastic bottle.
Makaraang haluin, nakita ni Chantal na may lumitaw na maliliit na bula sa plastic bottle. Nagdasal siya kay St. Charbel. Hiniling niya na mag-intercede ito kay Panginoong Hesus at pagalingin siya sa cancer.
Pagkatapos ay ininom niya ang natitirang laman ng plastic bottle.
Pagkatapos inumin, nagsuka siya ng puting likido.
Bago matulog, ininom niya ang natira sa plastic bottle. Nakadama umano siya ng pananakit ng tiyan at paninikip ng dibdib sa loob ng ilang minuto. Pagkatapos ay nawala ang kanyang nararamdaman.
Makalipas ang ilang araw, sumailalim siya sa bagong CT scan sa Nabatieh Governmental Hospital. Nang lumabas ang resulta, walang nakitang trace ng cancer sa katawan ni Chantal. Manghang-mangha ang kanyang doktor. “What happened to you can only be described as a miracle,” sabi ni Dr. Fadi Nasr.
“I was healed through the intercession of Saint Charbel,” ito ang sinabi ni Chantal. Nagtungo ang kanilang pamilya sa shrine ni St. Charbel at nagpasalamat. Naitala ang himala kay Chantal noong Abril 3, 2024.
- Latest




















