Ginang nasawi matapos ang 4 na cosmetic surgery
NBI nag-iimbestiga na
MANILA, Philippines — Iniimbestigahan ng National Bureau of Investigation-Homicide Division ang pagkamatay ng isang ginang na sumailalim sa liposuction, tummy tuck, Brazilian butt lift, at bodytite for arms ng isang celebrity plastic surgeon, sa San Juan City noong Marso, 2, 2026.
Ang American-based Filipino-American reality television na si Ronn Tristan Perez, anak ng nasawi, ang personal na nagtungo sa NBI noong Huwebes.
Batay sa mga ulat, ang biktimang si Gng. Casteel ay nagbayad ng P570,000 para sa nasabing procedures na umabot ng pitong oras, na-discharge matapos ang 3 araw na recovery period.
Subalit pagkalipas ng apat na araw ay isinugod siya sa ospital at na-diagnosed ng “high-risk pulmonary embolisim” o isang medical emergency dahil sa blood clot na humarang sa daloy ng dugo sa baga at mapanganib na hindi normal na presyon ng dugo.
Nag-aalala aniya, siya sa nakitang hitsura ng ina nang makausap sa Face Time habang nasa klinika.
“I FaceTime her, and she’s pale, she’s missing a tooth. I said, ‘What’s happening, Mom?’ Me and my brother were both worried,” ani Perez.
Ilang araw ang lumipas nang makatanggap siya ng tawag mula sa tiyo at ama na binawian ng buhay ang ina.
Hindi aniya, niya nakuha ang gusto niyang makita nang ibigay ang medical records ng ina.
“I’m not accusing anyone of anything. I need more than that. I need documents, papers, expertise that what was done here is everything that was supposed to be done. No stones left unturned,” aniya sa isang interview.
Payo niya sa sinumang nais magpa-enhance o magpaganda na kahit mabilis na pag-Google lang ay dapat munang alamin ang mga delikadong bagay at magdoble ingat habang ginagawa at pagkatapos ng procedures.
- Latest


















