Julie, ilang beses muntik mag-quit

Mapapanood na simula mamayang gabi ang The Voice Kids PH sa GMA Network.
Makakasama ni Julie Anne San Jose bilang mga bagong coach ng programa sina Yeng Constantino at Gloc-9. “I’m very excited kasi first time kong makakatrabaho at makakasama si Coach Yeng. Actually,nag-uusap na kaming dalawa, kasi sabi ko sa kanya, ‘Alam mo, ang tagal na nating magkapitbahay pero never natuloy ‘yung mga lunch out.’
“Kasi ang dalas nagkikita kami sa mga events or sa ibang trabaho outside GMA. Sabi ko I would love to. At si Coach Gloc-9, may mga collaborations na kami before. I wanna learn more from them,” nakangiting pahayag sa amin ni Julie Anne sa Fast Talk with Boy Abunda.
Bilang nasa reality competition ay mayroon umanong babantayan ang Asia’s Limitless Star sa kanyang mga kasamahang coach. “Ang babantayan ko kay Coach Yeng, feeling ko trigger happy siya. Kapag nag-press siya ng button, alam namin ni Coach Gloc-9 na, ‘Pipiliin ko si Coach Yeng.’ Nakakatuwa si Coach Yeng kasi ang lapit niya sa mga bata. Saka talagang sobrang ang cute talaga.
“Si Coach Gloc naman, ang babantayan ko sa kanya siguro ‘yung mga strategy. Si Kuya Gloc, may mga wisdom siya na nai-impart sa amin and eventually sa mga bata rin. May kakaiba kay Kuya Gloc, kasi siya ‘yung makata eh. I’m so very happy and excited dahil makakasama ko po si Coach Yeng at si Coach Gloc-9.
“And of course as hosted by Kuya Dingdong Dantes and we also have our Journey Host, si Ate Gabbi Garcia. It’s gonna be fun, roller-coaster ride of emotions ang mararamdaman namin dito,” pagdedetalye ng aktres.
Ipinagdiriwang ni Julie Anne ang kanyang ika-20 anibersaryo sa show business ngayong taon. Para sa Kapuso actress ay hindi naging madali ang kanyang mga pinagdaanan sa nakalipas na dalawang dekada. “Unang-una po talaga, hindi ko sure kung ito ba talaga ang para sa akin.
“So may times na I almost quit. ‘Di ko alam kung sure ako sa gagawin kong ito. There was a time na kahit anong gawin ko or kahit ilang beses akong mag-quit, parang dito ako lagi nili-lead ni Lord sa path na ito. Kaya sabi ko baka ito talaga ‘yung gusto ng Panginoon para sa akin,” paglalahad niya.
Lubos ang pasasalamat ng dalaga sa Kapuso network dahil sa tiwala at suportang ipinagkaloob sa kanya sa 20 taong nakalipas. “Unang-una dahil nag-sign ako with GMA, talagang winelcome ako nang buung-buong puso and with open arms. Saka dito na ako lumaki. Basta ang masasabi ko lang, Tito Boy, talagang loyal Kapuso ako eh. Kasi dito na ako lumaki. I owe it to GMA po talaga. Ever since na nag-start ako talagang nandiyan sila for me. Hinayaan nila akong mag-grow as a person, hindi lang as an artist,” giit ng Asia’s Limitless Star.
Bago magtapos ang taon ay gaganapin ang anniversary concert ni Julie Anne. Puspusan na ang ginagawang paghahanda ng singer-actress para sa naturang concert. “Ito ‘yung time na medyo nag-uusap-usap na kami. Pinaghahandaan na namin kung ano ‘yung repertoire, kung sino ‘yung mga guest, but most importantly, ito ‘yung concert na paghahandaan ko nang husto. Because it’s my 20 years, it’s a milestone. I am sure magiging espesyal ito, hindi lang para sa akin,” paglalahad ng dalaga. — Reports from JCC
- Latest

























