^

Dr. Love

Gustong ipalaglag ang anak

Dear Dr. Love, - Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Ako po si Berry, may isang anak. Nabuntis po ako ng kasamahan ko sa trabaho at noon gusto niyang ipalaglag ang bata, pero hindi ako pumayag. Ngayon ay malaki na ang bata. Gusto niyang hiramin, pero natatakot ako na baka hindi na maibalik sa akin ang anak ko. Sa sustento pa lang ay hirap na siyang magbigay. Wala rin siyang sariling desisyon sa buhay. Payuhan n’yo po ako. 

Berry

Dear Berry,

Unang-una, tama ang ginawa mong ipaglaban ang buhay ng iyong anak. Kung sa sustento pa lang ay hirap na siya, mas lalo mong dapat pag-isipan ang pagbibigay ng kustodiya.

Makabubuting kumonsulta sa abogado para malinawan ka sa mga batas tungkol sa custody at child support. Ang anak mo ang dapat mong pagtuunan ng pansin—bigyan mo siya ng magandang kinabukasan at gawin mo siyang inspirasyon para kayanin ang lahat ng pagsubok.

Dr. Love

DR. LOVE

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with