^

Pang Movies

Ate Gay, ligtas na sa cancer!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Ate Gay, ligtas na sa cancer!
Ate Gay

Magandang balita ang inihatid ng komedyante at impersonator na si Ate Gay o Gil Aducal Morales in real life sa kanyang mga tagahanga.

In a Facebook post, masaya niyang inanunsyo na clear na siya sa cancer matapos ang ilang buwang intense treatment na isinagawa sa kanya. “Tinatanong Nila kung magaling na ba ako.. Sagot ko feeling ko, dami kong pinagdaanan lahat ng yan ay sinipag kong gawin dahil bigay ito ng aking Anghel na dala ni Lord sa akin,” simula ni Ate Gay.

Ibinahagi rin niya ang mga treatment na dinaanan at nalampasan niya tulad ng 35 Radiation therapy, 5 Chemotherapy, 6 Cyberknife therapy at 9 Immunotherapy, gayundin ang tests na PET, CT at MRI Scan.

At sa latest result nga ng kanyang mga test ay lumabas na clear na ang kanyang cancer kaya masayang-masaya ang komedyante.

“At lahat ng yan ay clear na… sa MRI lumabas na wala na ako bukol sa ilong at leeg … sa pet scan Ang mga umilaw sa leeg ko ay natunaw na ng cyberknife … thank you LORD,” pagbabahagi ni Ate Gay.

“Patuloy pa rin ako nagiimuno therapy every 21days,” aniya pa.

Sinabi rin niyang hindi naging madali ang journey niya dahil sa side effects ng treatment at muntik na raw siyang sumuko. Nagbiro pa siya at ginamit ang title ng mga kanta sa kanyang pinagdaanan.

“Tiniis ko Ang mga side effects na muntik ko ng maabot Ang GUSTO KO NG BUMITAW pero di ko ninais… Mas inisip ko na MAY BUKAS PA at ha hanapin ko nalang kung SAAN DARATING ANG UMAGA...” sey niya.

Para kay Ate Gay, isang malaking himala ang nangyari sa kanya.

“Basta Ang alam ko MAY HIMALA PALA ..” sey niya.

Masayang biro pa ng impersonator ni Superstar Nora Aunor “Kailangan ko po daw ng 45days Zumba hahaha.”

Matatandaang noong September 2025 ay ini-reveal ni Ate Gay na na-diagnose siya with stage 4 mucoepidermoid carcinoma, a rare type of cancer affecting the salivary glands.

Kaagad siyang sumailalim sa matinding gamutan sa pagtutulung-tulong na rin ng kanyang mga kaibigan.

Alex, grabe ang iyak nang ma-CS!

Na-CS o cesarean section pala si Alex Gonzaga sa panganay nilang anak ni Mikee Morada na si Isaac Gerard.

Sinabi ito ng aktres/content creator sa video na inilabas ng St. Luke’s Medical Center in Taguig kung saan siya nanganak noong Agosto.

Sa nasabing vlog ay ikinuwento ng mag-asawa ang ilang detalye sa panganganak ni Alex. “Nu’ng sinabi sa ‘kin na I have to do CS, ang excited ako is to really see my baby. ‘Yung feeling na you have your own na,” tsika ng kapatid ni Toni Gonzaga.

Pagbabahagi pa niya, “during that time, wala, gising ako tapos siyempre, kinakabahan ako, hindi ko alam ang nangyayari. Tuloy-tuloy luha ko. Tapos si Mikee, binulungan pa ako ng ‘sobrang mahal kita, minamahal kita lalo ngayon sa nakikita ko.’”

Sey naman ni Mikee, awang-awa nga raw siya sa misis niya dahil nanginginig daw ito.

Aminado naman si Alex na talagang nag-panic daw siya dahil sa sobrang excitement na finally ay makikita na niya ang kanyang baby.

Nang marinig na raw niya ang pag-iyak ng kanyang sanggol ay saka lang siya nakampante. “It’s very overwhelming, we’re very,very grateful, we really feel blessed. It’s finally our turn and our time,” saad ni Alex.

“Hindi pa rin ako makapaniwala na ‘eto na, this is it.’ Naiiyak pa rin ako ‘pag nakikita ko ‘yung baby ko,” dagdag pa niya.

Ayon naman kay Mikee ay nakasuporta raw siya talaga kay Alex all the way habang nasa operating room ito. “Support lang talaga, makita na okay siya siya, makita na okay ‘yung baby, eh talagang happy ako. So, lahat, nakatutok talaga sa kanila ni baby and very, very happy syempre na... how many tries, ‘no? On our 4th pregnancy ay nabiyayaan na rin kami ng anak,” sabi ni Mikee.

ATE GAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with