^

Probinsiya

Mga sunog na bangkay narekober sa barko!

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Mga sunog na bangkay narekober sa barko!
Nadala na sa tabing dagat sa Coron, Palawan ang sumabog na MV June Aster kahapon ng umaga. Bukod sa limang pasahero na unang naitalangAster kahapon ng umaga. Bukod sa limang pasahero na unang naitalang nasawi, sinabi ng Philippine Coast Guard (PCG) na may mga sunog nanasawi, sinabi ng Philippine Coast Guard (PCG) na may mga sunog na bangkay pa ang nakita sa loob ng barko kagabi. (Courtesy: PCG)bangkay pa ang nakita sa loob ng barko kagabi.
PCG

Search and rescue ops sa Coron, pahirapan

MANILA, Philippines — Kinumpirma kagabi ng Philippine Coast Guard (PCG) na may mga nakita na silang mga sunog na bangkay ng mga pasaherong lulan ng RORO passenger vessel na MV June Aster na sumabog at tinupok ng apoy habang naglalayag sa karagatang sakop ng Coron, Palawan nitong Miyerkules.

Ayon kay PCG Spokesperson Commodore Noemie Cayabyab, matapos ang isinagawa nilang firefighting ope­ration, naideklara nang fireout ang sunog sa barko dakong alas-10:15 ng umaga kahapon kaya’t kaagad umanong

pinasok ng mga awtoridad ang loob nito.

Dito na umano naobserbahan ng Coast Guard Response team ang mga sunog na bangkay na nasa economy accommodation area ng MV June Aster.

Hindi pa naman makapagbigay ng eksaktong bilang si Cayabyab kung ilang sunog na bangkay ang natagpuan dahil patuloy pa ang isinasagawang recovery operation ng mga tauhan ng PCG at Philippine National Police-Scene of the Crime Operation (PNP-SOCO).

Kinumpirma ni Cayab­yab, pahirapan ang rescue misson, pero naglatag na rin sila ng oil spill boom bilang precautionary measures kahit walang nakikitang senyales ng oil sheen sa bahagi ng dagat kung saan nasunog ang barko.

Matatandaang malapit na ang barko sa destinas­yon nito sa Coron, mula sa Port of Manila, nang magkaroon ng pagsabog sa cargo hold o compartment, na nagresulta sa pagsiklab ng apoy at mabilis na pagkalat nito.

Sa inisyal na ulat ng PCG, lima ang unang naitalang nasawi sa sunog, 43 ang nakaligtas at 84 na iba pa ang patuloy na nawawala.

PCG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with