Angela, ‘di pa nakaka-move on kay Yeng!

Hinding-hindi pa nakaka-move on si Angela Ken sa kanyang guesting sa anniversary concert ni Yeng Constantino sa Araneta Coliseumn at sa papuri nito sa kanya.
Ito nga ang kanyang inamin sa ginanap na Star Magic Spotlight mediacon noong Martes.
Sinabi nga ni Yeng na isa siya sa mga bagong OPM artist na dapat abangan. Na ikinakilig niya.
Naalala nga niyang soundcheck pa lang ay nangangatog na raw sila ng kapwa-guests na sina Janine Berdin at mrld.
Sabi niya : “It’s such an honor and privilege to share the stage with the one and only Ate Yeng Constantino. And it’s such a blessing din to witness such a humble person na hindi niya raw in-expect na ganu’n yung crowd sa music niya na parang nakaka-inspire pa, lalo na when you have the heart talaga when it comes to your art.
“She’s a living testimony for that,” pahayag pa ni Angela. “It’s such a feast also to witness the crowd, grabe, mabibingi ka na lang sa hiyaw nila kasi gusto nila sila na lang kumanta. Nakaka-inspire pa to make more music sa mga ganung tao na grabe ang impact ng musika.”
Malaking-malaking bagay ‘yun para kay Angela lalo na at galing sa singer na iniidolo niya noon pa.
Aminado siya na isang simpleng tao lang mula Cavite na nangarap hanggang nabigyan ng pagkakataon sa showbiz.
At ang pangako niya, patuloy siyang magsisikap para maging memorable experience rin sa audience ang upcoming concert niyang Panahon Na Natin! sa New Frontier Theater na gaganapin sa October 18.
Bukod sa original songs, kasama rin sa mga kakantahin ni Angela ang bagong sinulat niya na Tayo Lang, na nakatakdang i-release sa September 25.
Sinulat daw niya itong Tayo Lang noong 18 years old siya.
“Pinagtibay din siya ng panahon, yung kantang yon. Isa yon sa mga aabangan ng Angels. Nakakakaba pero sobrang saya rin po,” banggit niya.
Bukod sa paghahanda sa kanyang concert, nasa cast din si Angela ng The Notebook: The Musical kasama sina Celeste Legaspi, Rody Vera, Morissette, Sheena Belarmino, Laurence Mossman, Benedix Ramos, atbp.
Mapapanood ito sa Samsung Performing Arts Theater sa Circuit Makati hanggang September 20.
- Latest






















