^

Pang Movies

Endorsement ni Alden sa sugal, ginamit ng bashers

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa

Si Alden Richards ang first guest ni Vice Ganda sa Gandang Gabi Vice na magpi-premiere sa September 13, 10PM sa GMA. First time na mai-interview ni Vice si Alden at siguradong may mga pasabog siyang tanong sa aktor at pasabog din na sagot si Alden.

Ikinatuwa ng mga fans ni Alden ang balitang ito lalo na at first time siyang mai-interview ni Vice. ‘Yun nga lang, hindi natuwa ang Kapamilya fans, lalo na ‘yung mga umasa na Kapamilya star ang unang maggi-guest sa GGV ni Vice. Ibig sabihin daw nito, puro Kapuso stars ang maggi-guest sa show ni Vice.

And speaking of Alden, iniisyu sa kanya ang pagpo-post ng photo ni Martin Romualdez na nasa Cardinal Santos Hospital at larawan ng isang matanda na nakakulong.

Parang ni-repost lang ito ni Alden, may mga nagpasalamat na bukas ang isip niya sa nangyayari sa bansa, pero may mga nam-bash din. Nagpu-promote raw si Alden ng sugal, kaya hindi siya dapat nagko-call out ng ganito.

Denepesahan agad ang aktor ng casual fans, hindi raw porke’t nagpu-promote ng sugal wala nang karapatang magsalita sa katiwalian sa bansa. Sa nag-comment na ipokrito si Alden dahil nag-perform sa Christmas party ng mga Discaya. Sagot ng dumeopensa kay Alden, ibig daw ba sabihin, dapat ibalik ni Alden ang talent fee from the Discaya at pati na ang ibang nag-perform sa Christmas Party?

Argument pa ng isa, at least si Alden, tumutulong sa mga nabibiktima ng baha at ibang kalamidad sa bansa at may scholarship pa. Ang mga bashers ng aktor puro lang ingay at pamba-bash ang alam.

Jodi, first time kay Aga                                      

Buo na ang mukha ni Jodi Sta. Maria sa post ng Viva Films sa aktres na gaganap na ina ni Yesha (Xian Bernardo) sa pelikulang 2nd Miracle in Cell No. 7. Tuwang-tuwa ang mga fans, lalo na ang nakapanood sa original movie na Miracle in Cell No. 7.

Tama ba kami na first movie ito ni Jodi sa Viva Films? First time rin ba nila magkakasama ni Aga Muhlach? Kaya naman excited na ang mga fans at okay lang sa kanila na umiyak habang nanonood.

Samantala, suportado ng Viva Films ang National Cinema Day dahil mas binabaan pa ang ticket price ng Life After You. Mapapanood na ang pelikula nina Maricel Soriano at Bela Padilla for P100 pesos. Puwede rin ang mga bata dahil rated PG ito, kaya go na sa mga sinehan!

Eugene, na-wow mali sa birthday ni Anne

Na-wow mali si Eugene Domingo nang batiin ng Happy Birthday si Anne Curtis kamakailan lang. Sa birthday greetings na “Happy birthday to our favorite @annecurtissmith,” sigurado si Eugene na birthday nga ni Anne.

Sagot ni Anne, “Atttte ugeeee hindi pa po, Feb pa ako pero salamat pos a maaga na greetings! Nakaka heyy hey heypiii birthday.”

May bumiro naman kay Eugene na ang lagay na ‘yun, favorite niya si Anne, pero hindi alam ang birthday nito. Siguradong nakarating kay Eugene ang sagot sa kanya ni Anne at tinawanan na lang ang kanyang pagkakamali.

VICE GANDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with