‘Hayaan munang magpahinga si Cayetano’
Sa isyung siya ang may gawa - Lacson
MANILA, Philippines — Hindi pa isyu sa ngayon ang pagpunta sa ibang bansa ni Sen. Alan Peter Cayetano, at dapat hayaan muna siyang magpahinga mula sa stress at tensyon na siya mismo ang lumikha, ayon kay Sen. Panfilo “Ping” Lacson nitong Huwebes.
Ayon kay Lacson, taos-puso niyang hiniling ang mabuti para kay Cayetano sa kabila ng kanilang mga hindi pagkakaunawaan, lalo na kung ang biyahe ng senador at ng kanyang asawang si Taguig Mayor Lani Cayetano ay may kinalaman sa kalusugan. “This is not an issue as of the moment.
Let’s make him (them) take a break from the stress caused by issues that he himself created… If it is simply health related, I sincerely wish him well despite our animosities,” ani Lacson sa kanyang post sa X.
Noong Miyerkules ng gabi, kumalat online ang mga larawan ni Cayetano sa NAIA Terminal 3, kung saan makikitang nakapila siya para sa isang Singapore Airlines flight.
Kasalukuyang iniimbestigahan ng National Bureau of Investigation (NBI) at Office of the Ombudsman si Cayetano kaugnay ng umano’y iregularidad sa pagho-host ng Pilipinas sa 2019 Southeast Asian Games, kung saan nagsilbi siyang chairman ng Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (Phisgoc).
Nauna nang nagsumite si Lacson at ang kanyang tanggapan sa Ombudsman ng hindi bababa sa 45 case studies na suportado ng opisyal na dokumento, na naglalahad ng tinawag nilang “systemic anomalies” sa mga flood control projects sa Taguig City, na political bailiwick ni Cayetano.
Matapos magbigay ng ebidensya si Lacson, naglunsad ang Ombudsman ng fact-finding investigation kaugnay ng mga alegasyon sa mga proyekto sa Taguig.
- Latest






















