Mag-asawa ninakawan na, pinatay pa
MANILA, Philippines — Pinagbabaril ng mga magnanakaw ang isang mag-asawa nang manlaban umano ang mga ito nang pasukin ang kanilang bahay ay pagnakawan sila naganap sa Sitio Matiyumpong, Barangay Dalgan, Montawal, Maguindanao del Sur nitong gabi ng Martes.
Agad na nasawi ang mag-asawang sina Alex Monib Pandapatan at Bai Macabimban Salipada-Pandapatan dahil sa mga tama ng bala sa kanilang katawan.
Ayon sa ulat ng pulisya, pinasok ng mga armadong lalaki ang bahay ng mag-asawa na noon ay mahimbing na natutulog.
Nagising ang mag-asawa kaya’t sila ay pinagbabaril ng mga suspek at kinuha ang kanilang pera, mga relo at cellphone.
- Latest



















