^

PM Sports

Mishani Cove palaban sa 3YO Maiden race

Elech Dawa - Pang-masa

MANILA, Philippines — Magkikilatisan ang siyam na matitikas na kaba­yong sasalang sa 3-Year-Old & Above Maiden Race (Placers) na ilalarga sa pista ng Philippine Jockey Club sa Padre Garcia, Batangas bukas ng hapon, (Biyernes).

Nasa listahan ng mga makikipagtagisan ng bilis ang Mishani Cove na gagabayan ni jockey John Allyson Pabilic sa distan­syang 1,200 meter race.

Ang ibang kalahok ay ang Classical, Mishani Lethal, Jenni Maddie, Day Dreaming, Loaded, Pennylass at magka-kuwadrang Mishani Soul at Hard Too Win.

Posibleng magpakitang gilas ang Mishani Soul na sasakyan ni reigning Philippine Sportswriters Association, (PSA) - Jockey of the Year awardee Jonathan Basco Hernandez at Hard Too Win na papatungan ni Christian Garganta.

Pakakawalan ang nasabing race sa unang karera sa alas-5:30 ng hapon kung saan ay simula ng tayaan sa first Pick 6, forecast at daily doubles.

Samantala may walong balanseng karera ang pasisibatin ng pamunuan ng Philippine Jockey Club Inc. (PJCI) kaya asahang magsasaya ang mga racing aficionados sa kanilang paglilibang.

 

SPORTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with